"KAYGANDA NG TAGAYTAY"
lugar na pwede nating piliin .Ito ay malapit lamang, at kung ikaw ay nakatira sa Metro Manila, isang oras lang ang biyahe at naroon kana,!
Ito ay isang lugar na pinupuntahan ng mga tao lalo na kung Summer dahil sa malamig na klima
at napakagandang tanawin ng Bulkang Taal.
Nakakamangha ang bulkan na ito , Ito ang isa sa pinaka maliit na bulkan sa daigdig na tanging bunganga lamang ng bulkan ang nakikita at ang kabuuan ay nakalubog sa ilalim ng lawa ng Taal.
Ito ang di malilimutan naming pamamasyal sa Tagaytay bilang parte ng aming maliit na field trip proyektong pang turismo sa Filipino. Bumyahe kami ng isang oras mula Manila Science Highschool patungo sa Tagaytay. Napakaganda ng panahon nuon , may araw at malinaw ang tanawin sa Tagaytay.
Ang Residence Inn Zoo sa Tagaytay ang una naming tinungo. Ito ay isa sa mga lugar na pinupuntahan din ng mga namamasyal duon dahil mayroon itong mini zoo , na pwede kang mag pakain sa mga ibat-ibang hayop, Ang entrance fee ay 150 pesos lamang, sulit sa makikita sa loob.
Ito ay lugar din na pwede kang sumubok ng Zipline at Cable car. Mayroon din silang presentasyon tulad ng animal shows and magic shows na siguradong ikatutuwa ng mga bisita lalo na ng mga bata.
May hotel sa lugar na ito kaya't pwede kang matulog kasama ang pamilya.
Masaya naming pinapakain ang camel, sheep , pati na din ang mga ibon. Maaari mo mabili ang mga pakain sa entrance sa halagang bente pesos lamang.
Sunod naming tinungo ang Puzzle Mansion , Isa sa pinaka nagustuhan kong lugar sa Tagaytay , Dahil sa kakaiba ang mga Puzzle dito , Nakakamangha ang gaganda at ibat- iba ang klase ng puzzle , Dito mo matatagpuan ang pinaka malaking jigsaw puzzle sa mundo na isang tao lang ang tumapos, kayat ito ay nakuha sa Guiness Book of World Records.
Ito ang pinaka malaking Jigsaw puzzle sa buong mundo! Nakakamangha ito dapat talagang mabisita at makita ninyo ito at ang iba pang nabuo na puzzles dito.
Palace in the Sky , kung ito ay tawagin , dahil sa palasyo sa pinakamataas na lugar sa Tagaytay.
Kitang -kita ang kabuuan ng Tagaytay dito mula sa iyong kinatatayuan dito. Ito ay di natapos na
proyekto ng dating Pangulong Marcos na sana ay magiging resthouse ng ibang pangulo ng daigdig.
Higit pa sa litratong ito ang ganda nang makikita sa itaas kapag naroon ka mismo! Ang sarap ng pakiramdam na nasa pinakamataas na lugar at tanaw na tanaw ang Taal Lake at Volcano.
Ito ang Canyon Woods Resort Club. Dito kami nag pahinga at natulog ng isang gabi.
Ang saya namin dito , dahil meron itong outdoor swimming pool , indoor swiming pool,spa
sports club , fitness center , at mini theatre.
Ito ang outdoor at indoor swimming pool na aming pinag liguan. Mayron din Jacuzzi sa gilid na maligamgam ang tubig. Dito namin pinili manatili ng isang magdamag dahil kilala ang Canyon Woods bilang isa sa pinaka magandang Resort Club sa Tagaytay, at kami ang patunay na totoo nga!
Dinayo din namin ang Grand Culture Center sa Tagaytay , Dito dinaraos ang mga Conventions, at mga Team building. Tahimik ang lugar na ito at maganda para din sa mga retreat.
Dito sa Picnic Groove ang madalas na pinupuntahan ng mga namamasyal sa Tagaytay .Dahil sa
magandang lugar para matanaw mo ang Taal Volcano, maaari din magpicnic kasama mo ang iyong pamilya na para bang katabi mo lang ang Taal volcano.
Mayroon itong cable car , zipline , horseback riding,at masarap na pagkain sa restawran na ang pangalan ay Bulalo Point.
Hindi namin malilimutan ang lugar na ito , halos ayaw na namin umuwi kahit pagabi na dahil sa saya at malamig na klima duon.
Sinadya din namin puntahan ang Rowena's bakeshop dahil kilalang kilala ito sa sarap ng mga buko tarts, blueberry tarts, buko pies, sylvanas at madaming iba pa. Subukan ninyo tikman ang mga ito, makikita ang Rowena's kapag pauwi na kayo , ang daan ay patungong Sta. Rosa.
Ito ang kanilang mga blueberry tarts,buko tart, sylvanas at iba pa.
Sa naranasan ko dito sa Tagaytay kasama ang aking mabubuting mga kaklase, lalong di ko malilimutan ang kagandahan at kasiyahan na aking nadama kasama ang aking ka grupo. Dito ko naramdaman at naranasan na napakaganda at napakasaya pala ng Tagaytay , Ito ay isa sa pinakamagandang lugar sa ating bansa na dapat nating ipag malaki sa buong daigdig. Ito ang GANDA NG TAGAYTAY!
Salamat po!










No comments:
Post a Comment